Narito ang mga nangungunang balita ngayong LUNES, JUNE 30, 2022:

- Pres.-elect Marcos Jr., manunumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas mamayang tanghali

- Paghahanda ilang oras bago ang inagurasyon ni President-elect Marcos Jr.

- Ilang supporter ni pres.-elect marcos, maagang nagtungo sa labas ng National Museum | Pagpapababa ng presyo ng petrolyo at dagdag na trabaho, ilan sa mga hiling ng publiko sa susunod na administrasyon

- Seguridad sa paligid ng National Museum, mas pinaigting

- Mga motorista sa mga boundary ng Maynila, mahigpit na iniinspeksyon

- Pres.-elect Marcos at Pres. Duterte, nakatakdang magkita sa malacañang bago magpunta sa National Museum

- PSG, mahigpit na magbabantay sa convoy ni President-elect Marcos Jr. mamaya | Paligid ng National Museum, mahigpit ang seguridad | 13 checkpoints sa Maynila, bantay-sarado

- Seguridad sa Liwasang Bonifacio, mahigpit na binabantayan ng pulisya | Ilang supporter ni Pres.-elect Marcos Jr., kagabi pa lang ay nasa Liwasang Bonifacio na

- Malalaking screen, ilalagay sa ilang lugar sa Ilocos Norte para mapanood ang inagurasyon ni Pres.-elect Marcos Jr.

- Seguridad sa paligid ng Malacañang, hinigpitan para sa inagurasyon ni President-Elect Marcos Jr. | departure honors ni President Rodrigo Ruterte, magaganap mamaya sa Malacañang

- President-elect Bongbong Marcos, manunumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas ngayong araw

- Dapat may booster shot ang mga dadalo sa mga aktibidad ngayong araw

- Pangulong Duterte, pinirmahan ang ilang bagong batas at dumalo sa ilang pulong | Pangulong Duterte, uuwi na sa Davao City ngayong araw

- Outgoing VP robredo, umalis na sa kaniyang opisina; OVP, natanggap ang unqualified opinion mula sa COA sa ika-4 na taon | VP robredo, muling magsisilbi bilang development lawyer at ipagpapatuloy ang adbokasiya sa Angat Buhay NGO

- President-elect Marcos Jr., ikinatuwa ang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa kaniya | Pangarungan: wala nang balakid sa pag-upo ni Marcos Jr. bilang pangulo | Atty. Te, hindi pa nababasa ang desisyon ng Korte Suprema

- Seguridad sa PICC, mahigpit na rin | Mga VIP sa inagurasyon, kailangan dumaan sa health screening sa PICC bago dalhin sa National Museum

- Intramuros, sarado sa mga ralyista at motorista | Mga gustong manood sa Inagurasyon, puwedeng pumuwesto sa Intramuros golf course